Sino ang dapat sisihin?! hahaha
Thursday, August 9, 2007
Friday, July 13, 2007
Sunday, June 24, 2007
Loving You*
Sa wakas, matapos ang ilang linggo paghihintay ay nakuha ko na ang grad pic namin. oo, ngayon lang namin nakuha ang grad pic namin. wala akong masasabing maganda o pangit na kuha. hindi naman ako pangit(taas noo ko itong sinsasabi, pero hindi ibig sabihin na ubod ako ng kagwapuhan), pero talagang hindi maganda ang kuha ko sa mga pictures. ang probability na magkaroon ako ng magandang litrato ay napaka-liit. hindi ako photogenic. ito ang isang bagay na matagal ko ng tanggap. nakakatawa lang tingnan ung grad pic ko, lalo na ung creative (na hindi naman talaga sobrang creative) shot ko. nagmukha lang akong tanga. hahaha.. natuwa rin pala ako sa group pic namin nila aira at joan. sayang at wala akong soft copy. para sa mga taga-subaybay ng blog na ito, sana ay maligayahan kayo sa kaisa-isang litratong ilalagay ko dito. :D
*Ang kasalukuyang tugtog habang ginagawa ko ang post na ito. Loving You by Minnie Riperton
Unedited. mukhang tanga. hahaha
Thursday, June 21, 2007
Starfish
eto na naman ako, gagawa ng isang lathala na walang magandang idudulot sa pag-usbong ng ekonomiya ng bansang pilipinas. oo, isa na namang walang kwentang pagtalakay sa isang walang kwentang bagay. ginawa ko ito sa kadahilanan naiinis ako sa isang tao sa loob ng bahay, ang bahay ni kuya. hindi ako panatiko ng palabas na ito pero di ko rin maikakaila na nasubaybayan ko ang karamihan ng episodes ng pinoy big brother season2. natutuwa ako dahil nag-aaway silang lahat sa loob ng bahay pero naiirita talaga ako sa kanila, lalo na dun sa walang kwentang babae na ngalan ay wendy. *&(^$#)( siya! sa pinapakita at kinikilos niya ay sinisira nya lang ang kanyang buhay. baluktot na mga paliwanag, walang tigil na parinig, wala siyang alam kundi kalibugan kay bruce. malandi kasi. ayan, tinamad na ako magsulat. hanggang dito na lang muna.
*starfish,more correctly known as sea stars, are beautiful but they don't have brains. therefore i conclude, starfish = wendy.
*starfish,more correctly known as sea stars, are beautiful but they don't have brains. therefore i conclude, starfish = wendy.
Tuesday, June 19, 2007
Djoanivie Jomare Junasa
I'll be there for you
These five words i swear to you
When you breathe i want to be the air for you
I'll be there for you
I'd live and i'd die for you
Steal the sun from the sky for you
Words can't say what a love can do
I'll be there for you
Monday, June 18, 2007
Dashboard
Galing ako sa binyag ng anak ni marquis nung saturday. Dahil kasama ko si aira, at kinuha siyang ninag, bigla siyang nagyaya na pumunta ng eastwood. :D nakapag-bonding uli kami at pinag-usapan ang mga nakakatawa at masayang kaganapan sa kolehiyo. Bigla ko tuloy na-miss lahat sa college, lalo na si joan at aira. At dahil e-engot2x si joan, nawala na naman ang kanyang telepono at hindi namin siya mahagilap ni aira. Gusto ko na ulit silang makita at makasama, tulad dati, overnight, food trips, group study, etc. :D
Kagagaling ko lang sa isang job interview(na naman) sa isang magandang kumpanya , at ayun, pakiramdam ko sablay talaga kanina. Okay na sana ang lahat dahil gustong-gusto ko na dun ako magtrabaho ngunit sa kasamaang palad ay alam ko na hindi sila tatawag pang muli. (Kung tumawag man sila, mas malaki ang chance ko na matanggap dahil ang alam ko ay huli na un). Tingin ko malas ung purple kong polo. malas talaga siya! Wala na akong iba pang sisihin kundi ung polo, dahil nailagay nya na ako minsan sa ganitong sitwasyon kung saan abot kamay ko na ang trabaho ngunit hindi pala. Bukas, ay panibagong pag-asa. Interview ulit. Ipapanalangin ko na lang na dumating na ang tamang trabaho para sa akin.
*nagtext si pebi

with aira(left) and joan(right). mukha akong tanga. wahaha
Thursday, June 14, 2007
Blue Moon
Sa wakas, makakapag-post na ulit ako sa aking pinakamamahal na blog. wala kasi kaming internet connection for three weeks, badtrip! sobrang bagal ng service ng PLDT. ayun, napakaraming nangyari sa buhay ko this past three weeks.
- Still jobless: Wala parin trabaho. panay ang interview pero mejo mailap parin ang trabaho sa akin pero ok lang. Naniniwala ako na patience is a virtue. hehehe..
- Sunburst is mine!: Akala ko hindi ko na makukuha si sunburst kay djoanvie. ayun, na sa akin na sya ngayon.
- Bonding with tita joy: naka-bonding ko na si tita joy, dianne's mom, at ang saya namin. :)
- Jobhunting with HS friends: Nakasama ko si sheena sa isang jobfair sa WTC!:) Nakita ko din si pau at ravin(pau's boyfriend), raini at amelia pati si anne(ralph's girlfriend)! ang saya-saya! nagpunta din kami sa megamall para sa isang jobfair ulit. walang kwenta kasi 90% ata nung andun ay call centers.
- Night out with UPM friends: sobrang saya kasi nakasama ko sila kahit wala si djoanivie. at natutuwa ako kasi na-feel ko na gusto rin nila akong kasama. dinner sa trellis (market! market!), KTV sa taft (ung malapit sa benilde). tapos overnight sa place ni jerick sa mandaluyong.
- Misunderstandings: Nag-away kami ni djoanivie. ayun. pero bati na kami!:)
- Missing my college buddies: dahil lumabas ako kasama UPM friends at nakita ko HS friends ko, siyempre namiss ko rin ung core group ko sa kalayaan. Miss ko na sila aira, yann, joan, dward at jensen. Sana lang nababasa nila `to para cool!:)
- Business as usual: Tindero parin sa gabi habang walang trabaho. Nage-enjoy naman ako sa pagtitinda. kaso hirap na ako matulog at gumising ng maaga. gabi kasi duty ko. tsk.
Friday, May 18, 2007
sunburst
hay... matagal na akong naghihintay pero wala parin dumarating. meron na ang iba pero wala parin ako. sabi ng isa kong kaibigan, huwag daw ako magmadali at magbakasyon muna. ang sabi ko naman hindi pwede un dahil wala akong pera pambakasyon at oras para gumala. gusto ko ng kumita ng sarili kong pera para matustusan ang sarili kong pangangailangan, para makatulong ako sa gastusin sa bahay, at para makapag-ipon. pero sa ngyon, wala akong magagawa kung hindi maghintay... at maghintay. sana sa paghihintay kong ito may swerteng dumating at magkaroon na ako ng trabaho.
*hindi ako naghihintay sa wala. hindi ako tamad para sabihan na magsumikap ako maghanap ng trabaho. nagawa ko na ang parte ko. ang hinihintay ko na lang ay kung may tatawag sa aking mga kompanya na bibigyan o aalukin ako ng trabaho.
akala ko magkakaroon na ako ng aso.ahuhuhu...

Saturday, May 12, 2007
RP-Team
Headcoach: Chot Reyes
Asst Coach: Nash Racela
Escudero(GO) - Team Captain/Point Guard
Cayetano(GO) - Playing Coach/Forward
Trillanes(GO) - Guard
Villar(GO) - Small Forward/Escort
Roco(GO) - Muse
Lacson(GO) - Small Forward
Aquino(GO) - Forward
Pangilinan(IND) - Center
Arroyo(TU) - Point Guard
Angara(TU) - Guard
Zubiri(TU) - Center
Reserve:
Senatoriables from Kapatiran.
Water Boy(PL): Kabataan/Bayan Muna
VOTE WISELY!
Asst Coach: Nash Racela
Escudero(GO) - Team Captain/Point Guard
Cayetano(GO) - Playing Coach/Forward
Trillanes(GO) - Guard
Villar(GO) - Small Forward/Escort
Roco(GO) - Muse
Lacson(GO) - Small Forward
Aquino(GO) - Forward
Pangilinan(IND) - Center
Arroyo(TU) - Point Guard
Angara(TU) - Guard
Zubiri(TU) - Center
Reserve:
Senatoriables from Kapatiran.
Water Boy(PL): Kabataan/Bayan Muna
VOTE WISELY!
Friday, May 11, 2007
Swimming!
hahaha.. adik!
Bus Station. hahaha
sa wakas at natuloy na din ang swimming namin this week kahit wala si jerick. Sayang talaga kasi mas masaya sana kung andun siya at may boy's talk din kami nila ralph. hahaha... ayun, nag-enjoy naman ang lahat. Andun si ralph, anne, janine, neah, pebi, djoanivie, michael at harvey(kahit hindi naligo). Mas masaya sana `yung swimming kung hindi rin nawala ang phone ni neah. badtrip. grrr.. Senti mode: nalulungkot ako kasi kung kailan ko na sila naging close saka naman maghihiwalay-hiwalay dahil may sari-sarili ng buhay. mamimiss ko kayong lahat! :')
Monday, April 30, 2007
New Phone!
oo nga pala, meron na akong bagong phone! yipee! Siyempre Sony Ericsson parin. After 2 1/2 years ay nakapagpalit ako ng phone. K500i ung phone ko at ang value nya na lang ngayon ay 2,000. i swapped my k500i to w810i and added some amount of money. `Yun na daw ung grad gift sa akin ng nanay ko. Gusto ko kasi ng music phone kaya happy naman ako dahil nakuha ko ung phone na gusto ko. Hindi ako sobrang music lover. mapili din ako. gusto ko lang ung may masarap na pinakikinggan sa tenga.
* may pang-kuha na ako ng picture sa swimming! excited!
* may pang-kuha na ako ng picture sa swimming! excited!
Wala akong maisip
hay... ano ba ginagawa ko lately at hindi ako nakapag-post dito sa aking mamahal na blog.
1st: Congratulations sa akin/amin kasi graduate na kami (April 24,2007). Congrats sa UP Manila friends ko pati sa Kalayaan pipol.
2nd: hmm... wala talaga akong maisip. hindi ako katulad nila neah at pebi na magaling magsulat at ang daming gustong isulat. sabi ko nga sa 1st post ko, hindi ako magaling magsulat at isiwalat ang laman ng aking puso't isipan.
(Paused for 15 minutes) Wala talaga akong maisip.

Saturday, April 21, 2007
Bloated
Happy birthday daddy! :) 54 ka na. tanda mo na!
i'm bloated! today is my dad's birthday (I don't call him dad. Ngyon lang para sosyal) i didnt do anything to day but to eat and sleep. I woke up 11:30 this morning, ate spaghetti, watched eat bulaga, and slept until 6:00pm. Then i took a shower, and we went to libis to have dinner. Grabe, wala akong ginawa ngyon kundi kumain. Ayoko na! ang laki na ng tiyan ko. hindi na kita abs ko. ahuhuhu.. oo, madami ako kumain at matindi ang appetite ko sa pagkain. Hindi ko talaga maiwasaan. Wala na akong magagawa dun. Kailangan ko mag-exercise pero lahat ng tao dito hindi ata alam ang konspeto ng ehersisyo.
hay... papayat din ako.

Friday, April 20, 2007
Hot summer
Ang init! Bakit ganito?! Masakit sa ulo ung init ngyon summer. Kung sobrang lamig nung february, iba naman ang init ngyon bakasyon. gusto ko ng mag-swimming! Gusto ko mag-swimming pero ayaw ko mangitim.
Late ako nagising ngyon araw. Daig ko pa ang batang umihi sa kama dahil basang basa ang kama ko ng pawis ko. (Eweeness) Mukhang walang epekto ang aircon ng aking mga mahal na magulang. Pagtingin ko sa cellphone ko ay meron na palang sandamukal na text messages at pinag-uusapan at pinagpapalanuhan na pala nila ang swimming na aking pikahihintay-hintay.
Issue no.1: Kapos sa budget si janine (700php lang daw ang pera ni janine para sa swimming)
ISsue no.2: 1000php na lang din ang budget ni neah (I don't think na issue pa 'to)
Issue no.3: BUDGET! (Nag-suggest si djoanivie na siya ang magba-budget at ang budget na ginawa nya at pang-puerto galera ata)
Issue no.4: Wala ng issue no.4
*Tanghali na ng nabigyan ng solution ang problema namin sa budget sa swimming. http://neahreyes.blogspot.com

Wednesday, April 18, 2007
Mic test. 1-2-3
Dahil naiinggit ako mga tao na may blog, gumawa na rin ako ng sarili kong blog account. Sa ilalim ng impluwensya ng super twins, gumagawa ako ngyon ng unang post sa aking blog. Hindi ako sanay sa ganito, `yung sinusulat ko ang laman ng aking puso't isipan. Pero tulad nga ng sinabi ni pebi, kahit puro kagaguhan lang ang isulat ko, ok lang. Nakakatanga pala gumawa ng blog. May alam ako sa html pero hindi pa kasing kumplikado nito. Sa pagtagal ng panahon, sana ay maintindihan ko lahat dito sa blog, kung paano mag-post ng pictures at videos, magpalit ng template at kung anu ano pa.
Subscribe to:
Posts (Atom)