Thursday, June 21, 2007

Starfish

eto na naman ako, gagawa ng isang lathala na walang magandang idudulot sa pag-usbong ng ekonomiya ng bansang pilipinas. oo, isa na namang walang kwentang pagtalakay sa isang walang kwentang bagay. ginawa ko ito sa kadahilanan naiinis ako sa isang tao sa loob ng bahay, ang bahay ni kuya. hindi ako panatiko ng palabas na ito pero di ko rin maikakaila na nasubaybayan ko ang karamihan ng episodes ng pinoy big brother season2. natutuwa ako dahil nag-aaway silang lahat sa loob ng bahay pero naiirita talaga ako sa kanila, lalo na dun sa walang kwentang babae na ngalan ay wendy. *&(^$#)( siya! sa pinapakita at kinikilos niya ay sinisira nya lang ang kanyang buhay. baluktot na mga paliwanag, walang tigil na parinig, wala siyang alam kundi kalibugan kay bruce. malandi kasi. ayan, tinamad na ako magsulat. hanggang dito na lang muna.

*starfish,more correctly known as sea stars, are beautiful but they don't have brains. therefore i conclude, starfish = wendy.

No comments: