Sunday, June 24, 2007

Loving You*


Sa wakas, matapos ang ilang linggo paghihintay ay nakuha ko na ang grad pic namin. oo, ngayon lang namin nakuha ang grad pic namin. wala akong masasabing maganda o pangit na kuha. hindi naman ako pangit(taas noo ko itong sinsasabi, pero hindi ibig sabihin na ubod ako ng kagwapuhan), pero talagang hindi maganda ang kuha ko sa mga pictures. ang probability na magkaroon ako ng magandang litrato ay napaka-liit. hindi ako photogenic. ito ang isang bagay na matagal ko ng tanggap. nakakatawa lang tingnan ung grad pic ko, lalo na ung creative (na hindi naman talaga sobrang creative) shot ko. nagmukha lang akong tanga. hahaha.. natuwa rin pala ako sa group pic namin nila aira at joan. sayang at wala akong soft copy. para sa mga taga-subaybay ng blog na ito, sana ay maligayahan kayo sa kaisa-isang litratong ilalagay ko dito. :D
*Ang kasalukuyang tugtog habang ginagawa ko ang post na ito. Loving You by Minnie Riperton

Unedited. mukhang tanga. hahaha

Thursday, June 21, 2007

Starfish

eto na naman ako, gagawa ng isang lathala na walang magandang idudulot sa pag-usbong ng ekonomiya ng bansang pilipinas. oo, isa na namang walang kwentang pagtalakay sa isang walang kwentang bagay. ginawa ko ito sa kadahilanan naiinis ako sa isang tao sa loob ng bahay, ang bahay ni kuya. hindi ako panatiko ng palabas na ito pero di ko rin maikakaila na nasubaybayan ko ang karamihan ng episodes ng pinoy big brother season2. natutuwa ako dahil nag-aaway silang lahat sa loob ng bahay pero naiirita talaga ako sa kanila, lalo na dun sa walang kwentang babae na ngalan ay wendy. *&(^$#)( siya! sa pinapakita at kinikilos niya ay sinisira nya lang ang kanyang buhay. baluktot na mga paliwanag, walang tigil na parinig, wala siyang alam kundi kalibugan kay bruce. malandi kasi. ayan, tinamad na ako magsulat. hanggang dito na lang muna.

*starfish,more correctly known as sea stars, are beautiful but they don't have brains. therefore i conclude, starfish = wendy.

Tuesday, June 19, 2007

Djoanivie Jomare Junasa

I'll be there for you
These five words i swear to you
When you breathe i want to be the air for you
I'll be there for you
I'd live and i'd die for you
Steal the sun from the sky for you
Words can't say what a love can do
I'll be there for you

Monday, June 18, 2007

Dashboard

Galing ako sa binyag ng anak ni marquis nung saturday. Dahil kasama ko si aira, at kinuha siyang ninag, bigla siyang nagyaya na pumunta ng eastwood. :D nakapag-bonding uli kami at pinag-usapan ang mga nakakatawa at masayang kaganapan sa kolehiyo. Bigla ko tuloy na-miss lahat sa college, lalo na si joan at aira. At dahil e-engot2x si joan, nawala na naman ang kanyang telepono at hindi namin siya mahagilap ni aira. Gusto ko na ulit silang makita at makasama, tulad dati, overnight, food trips, group study, etc. :D

Kagagaling ko lang sa isang job interview(na naman) sa isang magandang kumpanya , at ayun, pakiramdam ko sablay talaga kanina. Okay na sana ang lahat dahil gustong-gusto ko na dun ako magtrabaho ngunit sa kasamaang palad ay alam ko na hindi sila tatawag pang muli. (Kung tumawag man sila, mas malaki ang chance ko na matanggap dahil ang alam ko ay huli na un). Tingin ko malas ung purple kong polo. malas talaga siya! Wala na akong iba pang sisihin kundi ung polo, dahil nailagay nya na ako minsan sa ganitong sitwasyon kung saan abot kamay ko na ang trabaho ngunit hindi pala. Bukas, ay panibagong pag-asa. Interview ulit. Ipapanalangin ko na lang na dumating na ang tamang trabaho para sa akin.

*nagtext si pebi


with aira(left) and joan(right). mukha akong tanga. wahaha

Thursday, June 14, 2007

Blue Moon

Sa wakas, makakapag-post na ulit ako sa aking pinakamamahal na blog. wala kasi kaming internet connection for three weeks, badtrip! sobrang bagal ng service ng PLDT. ayun, napakaraming nangyari sa buhay ko this past three weeks.
  • Still jobless: Wala parin trabaho. panay ang interview pero mejo mailap parin ang trabaho sa akin pero ok lang. Naniniwala ako na patience is a virtue. hehehe..
  • Sunburst is mine!: Akala ko hindi ko na makukuha si sunburst kay djoanvie. ayun, na sa akin na sya ngayon.
  • Bonding with tita joy: naka-bonding ko na si tita joy, dianne's mom, at ang saya namin. :)
  • Jobhunting with HS friends: Nakasama ko si sheena sa isang jobfair sa WTC!:) Nakita ko din si pau at ravin(pau's boyfriend), raini at amelia pati si anne(ralph's girlfriend)! ang saya-saya! nagpunta din kami sa megamall para sa isang jobfair ulit. walang kwenta kasi 90% ata nung andun ay call centers.
  • Night out with UPM friends: sobrang saya kasi nakasama ko sila kahit wala si djoanivie. at natutuwa ako kasi na-feel ko na gusto rin nila akong kasama. dinner sa trellis (market! market!), KTV sa taft (ung malapit sa benilde). tapos overnight sa place ni jerick sa mandaluyong.
  • Misunderstandings: Nag-away kami ni djoanivie. ayun. pero bati na kami!:)
  • Missing my college buddies: dahil lumabas ako kasama UPM friends at nakita ko HS friends ko, siyempre namiss ko rin ung core group ko sa kalayaan. Miss ko na sila aira, yann, joan, dward at jensen. Sana lang nababasa nila `to para cool!:)
  • Business as usual: Tindero parin sa gabi habang walang trabaho. Nage-enjoy naman ako sa pagtitinda. kaso hirap na ako matulog at gumising ng maaga. gabi kasi duty ko. tsk.