Monday, June 18, 2007

Dashboard

Galing ako sa binyag ng anak ni marquis nung saturday. Dahil kasama ko si aira, at kinuha siyang ninag, bigla siyang nagyaya na pumunta ng eastwood. :D nakapag-bonding uli kami at pinag-usapan ang mga nakakatawa at masayang kaganapan sa kolehiyo. Bigla ko tuloy na-miss lahat sa college, lalo na si joan at aira. At dahil e-engot2x si joan, nawala na naman ang kanyang telepono at hindi namin siya mahagilap ni aira. Gusto ko na ulit silang makita at makasama, tulad dati, overnight, food trips, group study, etc. :D

Kagagaling ko lang sa isang job interview(na naman) sa isang magandang kumpanya , at ayun, pakiramdam ko sablay talaga kanina. Okay na sana ang lahat dahil gustong-gusto ko na dun ako magtrabaho ngunit sa kasamaang palad ay alam ko na hindi sila tatawag pang muli. (Kung tumawag man sila, mas malaki ang chance ko na matanggap dahil ang alam ko ay huli na un). Tingin ko malas ung purple kong polo. malas talaga siya! Wala na akong iba pang sisihin kundi ung polo, dahil nailagay nya na ako minsan sa ganitong sitwasyon kung saan abot kamay ko na ang trabaho ngunit hindi pala. Bukas, ay panibagong pag-asa. Interview ulit. Ipapanalangin ko na lang na dumating na ang tamang trabaho para sa akin.

*nagtext si pebi


with aira(left) and joan(right). mukha akong tanga. wahaha

No comments: