Monday, April 30, 2007

New Phone!

oo nga pala, meron na akong bagong phone! yipee! Siyempre Sony Ericsson parin. After 2 1/2 years ay nakapagpalit ako ng phone. K500i ung phone ko at ang value nya na lang ngayon ay 2,000. i swapped my k500i to w810i and added some amount of money. `Yun na daw ung grad gift sa akin ng nanay ko. Gusto ko kasi ng music phone kaya happy naman ako dahil nakuha ko ung phone na gusto ko. Hindi ako sobrang music lover. mapili din ako. gusto ko lang ung may masarap na pinakikinggan sa tenga.

* may pang-kuha na ako ng picture sa swimming! excited!

Wala akong maisip

hay... ano ba ginagawa ko lately at hindi ako nakapag-post dito sa aking mamahal na blog.

1st: Congratulations sa akin/amin kasi graduate na kami (April 24,2007). Congrats sa UP Manila friends ko pati sa Kalayaan pipol.

2nd: hmm... wala talaga akong maisip. hindi ako katulad nila neah at pebi na magaling magsulat at ang daming gustong isulat. sabi ko nga sa 1st post ko, hindi ako magaling magsulat at isiwalat ang laman ng aking puso't isipan.

(Paused for 15 minutes) Wala talaga akong maisip.

Saturday, April 21, 2007

Bloated

Happy birthday daddy! :) 54 ka na. tanda mo na!

i'm bloated! today is my dad's birthday (I don't call him dad. Ngyon lang para sosyal) i didnt do anything to day but to eat and sleep. I woke up 11:30 this morning, ate spaghetti, watched eat bulaga, and slept until 6:00pm. Then i took a shower, and we went to libis to have dinner. Grabe, wala akong ginawa ngyon kundi kumain. Ayoko na! ang laki na ng tiyan ko. hindi na kita abs ko. ahuhuhu.. oo, madami ako kumain at matindi ang appetite ko sa pagkain. Hindi ko talaga maiwasaan. Wala na akong magagawa dun. Kailangan ko mag-exercise pero lahat ng tao dito hindi ata alam ang konspeto ng ehersisyo.

hay... papayat din ako.

Friday, April 20, 2007

Hot summer

Ang init! Bakit ganito?! Masakit sa ulo ung init ngyon summer. Kung sobrang lamig nung february, iba naman ang init ngyon bakasyon. gusto ko ng mag-swimming! Gusto ko mag-swimming pero ayaw ko mangitim.

Late ako nagising ngyon araw. Daig ko pa ang batang umihi sa kama dahil basang basa ang kama ko ng pawis ko. (Eweeness) Mukhang walang epekto ang aircon ng aking mga mahal na magulang. Pagtingin ko sa cellphone ko ay meron na palang sandamukal na text messages at pinag-uusapan at pinagpapalanuhan na pala nila ang swimming na aking pikahihintay-hintay.

Issue no.1: Kapos sa budget si janine (700php lang daw ang pera ni janine para sa swimming)
ISsue no.2: 1000php na lang din ang budget ni neah (I don't think na issue pa 'to)
Issue no.3: BUDGET! (Nag-suggest si djoanivie na siya ang magba-budget at ang budget na ginawa nya at pang-puerto galera ata)
Issue no.4: Wala ng issue no.4


*Tanghali na ng nabigyan ng solution ang problema namin sa budget sa swimming. http://neahreyes.blogspot.com

I Will

3 YEARS & 6 MONTHS OF HAPPINESS!
I love you baby!Ü

Wednesday, April 18, 2007

SAVE UPIS

Mic test. 1-2-3

Dahil naiinggit ako mga tao na may blog, gumawa na rin ako ng sarili kong blog account. Sa ilalim ng impluwensya ng super twins, gumagawa ako ngyon ng unang post sa aking blog. Hindi ako sanay sa ganito, `yung sinusulat ko ang laman ng aking puso't isipan. Pero tulad nga ng sinabi ni pebi, kahit puro kagaguhan lang ang isulat ko, ok lang. Nakakatanga pala gumawa ng blog. May alam ako sa html pero hindi pa kasing kumplikado nito. Sa pagtagal ng panahon, sana ay maintindihan ko lahat dito sa blog, kung paano mag-post ng pictures at videos, magpalit ng template at kung anu ano pa.