Friday, May 18, 2007

sunburst

hay... matagal na akong naghihintay pero wala parin dumarating. meron na ang iba pero wala parin ako. sabi ng isa kong kaibigan, huwag daw ako magmadali at magbakasyon muna. ang sabi ko naman hindi pwede un dahil wala akong pera pambakasyon at oras para gumala. gusto ko ng kumita ng sarili kong pera para matustusan ang sarili kong pangangailangan, para makatulong ako sa gastusin sa bahay, at para makapag-ipon. pero sa ngyon, wala akong magagawa kung hindi maghintay... at maghintay. sana sa paghihintay kong ito may swerteng dumating at magkaroon na ako ng trabaho.

*hindi ako naghihintay sa wala. hindi ako tamad para sabihan na magsumikap ako maghanap ng trabaho. nagawa ko na ang parte ko. ang hinihintay ko na lang ay kung may tatawag sa aking mga kompanya na bibigyan o aalukin ako ng trabaho.

akala ko magkakaroon na ako ng aso.ahuhuhu...

No comments: