Sunday, June 24, 2007

Loving You*


Sa wakas, matapos ang ilang linggo paghihintay ay nakuha ko na ang grad pic namin. oo, ngayon lang namin nakuha ang grad pic namin. wala akong masasabing maganda o pangit na kuha. hindi naman ako pangit(taas noo ko itong sinsasabi, pero hindi ibig sabihin na ubod ako ng kagwapuhan), pero talagang hindi maganda ang kuha ko sa mga pictures. ang probability na magkaroon ako ng magandang litrato ay napaka-liit. hindi ako photogenic. ito ang isang bagay na matagal ko ng tanggap. nakakatawa lang tingnan ung grad pic ko, lalo na ung creative (na hindi naman talaga sobrang creative) shot ko. nagmukha lang akong tanga. hahaha.. natuwa rin pala ako sa group pic namin nila aira at joan. sayang at wala akong soft copy. para sa mga taga-subaybay ng blog na ito, sana ay maligayahan kayo sa kaisa-isang litratong ilalagay ko dito. :D
*Ang kasalukuyang tugtog habang ginagawa ko ang post na ito. Loving You by Minnie Riperton

Unedited. mukhang tanga. hahaha

No comments: